Lunes, Oktubre 14, 2013

Being Single is a Bliss




Tips-to-know-you're-inlove blogs are too cliche so I'm not gonna bother feeding you nonsense things about the over rated feelings of being inlove.

Instead, let's discuss about the advantages of being free from this overwhelming feeling of "Pagsinta".

Maybe you're thinking, bakit parang ang bitter ko?
I'm not. Di naman masyadowwww!

It's just that I've been there, and I've done that. 
And yes, it was bitter-sweet, but mostly, puro kabitteran lang! haha

Minsan kasi 3 buwan tayong kikiligin, and then 6 na buwan tayong magmu-move on pag nabroken heart.

O kaya naman, isang buong taon kang deds na deds sa jowa mo,
tas pag nagbreak kayo, all your life, mamumuhi ka sa loko!

Yap, Irony of life.

C'est la vie.

So let's go back to our topic, bakit nga ba minsan mas okay na hindi tayo inlove?

Here's why:


1. Mas matalino tayo when it comes to decision-making.

Nagiging rational, logical, at sensible ang isang tao pagdating sa paggawa ng desisyon kung walang kasamang intense emotion. Isang halimbawa ang pagbibigay natin ng matinong advice kung hindi tayo ang involve. 
We give advice base sa kung ano yung alam nating tama, hindi sa kung ano yung nararamdaman natin. 
Kaya nga minsan sabi ng iba, things are easier said than done. Kasi madalas pag tayo na yung involve, yung ini-advise natin, tayo mismo di natin magawa. Kasi nga, malakas maka-tanga ang pagsinta. 
Kahit alam mong mali, minsan kiber tayo, kasi iba ang itinitibok ng puso sa idinidikta ng Logical Hemisphere natin. (Taray, Logical Hemisphere!) 
Kaya madalas pag inlove ang isang tao, nalalagay sa alanganin ang kaniyang logical intelligence. Fail di ba!?



2. Stress-free.  

We're free from stress when we're not in a relationship nor inlove. 
We don't have to worry about other peole. 
Like, kung kumain na ba siya? 
Where is he?
 Bakit di siya nagtetext? 
Bakit di nagchachat? Walang tweet? 
Bakit di ni-like yung status ko sa facebook?
What is he doing? 
Does he still love me? 
May kasama kaya siyang ibang babae? 

Worries like these are the ultimate stressor!
Susundan pa ng away dito, away doon. 
Selos dito, selos doon. 
And eventually, ang inyong dating kulay pulang mundo dahil sa pagmamahalan, ay magiging kulay pula dahil sa sakitan. 
At pag hindi mo na kaya, maiisip mong worth it kaya ang lahat ng sakit na pinagdadaanan ko? 

Nakakastress! 
Nakakapanget! 
Nakakasira ng magandang ugali!



3. Hindi dependent sa isang tao lang ang happiness mo.
When you're not inlove, yung pagiging masaya mo hindi nakasalalay lang sa isang tao. 
Hindi SIYA lang ang center ng universe mo. 
There are a lot of things to be happy about. 
Mas maaappreciate mo na you were blessed with wonderful PEOPLE kapag hindi nakaasa ang kaligayahan mo sa taong kinahuhumalingan mo! (Take note of that, people not person)

When you're inlove, pag may hindi ka nagustuhang kilos ng iniirog mo, maghapong sira na ang araw mo. Taken for granted na ang mga nasa paligid mo. 
Yung happiness na dapat sana ay ihinalakhak mo maghapon, wala, ruined na ng isang tao.
Sayang di ba!


4. You need not to settle for less.
Kagaya nga ng sinabi ko, madalas bobo tayo pag inlove. 
Muntanga lang!
Pag gusto natin yung isang tao, we tend to overlook their shortcomings. 
Kunwari level up yung standard mo tas pag nainlove ka, deflated to zero lahat ng paninindigan mo! 
Sobrang fail di ba!
Kaloka ka! 
Wag kang tanga, wag mong ibaba yung standard mo dahil lang sa isang tao. 
In the long run of your relationship, hahanapin at hahanapin mo pa rin yung akma sa panlasa mo. 
Why settle for less kung pwede mo namang makuha yung talagang gusto mo? 
Wag kang sabik, Chill lang! 
Cliche man, hindi pa rin nawawala sa uso ang kasabihang "Patience is a virtue."


These are some of the things that runs through my beautiful head whenever someone teases me  for not having a boyfriend. Like I've said: been there, done that. 
Trust me, hindi worth it ang panandaliang kilig sa sakit na dulot ng isang taong temporary lang rin naman ang kontribusyon sa istorya ng buhay natin! 

Chill! Smile! Maganda tayo! Panindigan na natin! 

1 komento: